-- Advertisements --

Kinumpirma na ng National Telcommunication Commission (NTC) ang paggawad nila ng televisioin broadcast frequencies dati ng ABS-CBN Corp. sa Advanced Media Broadcasting System Inc. na pag-aari ni dating Senator Manny Villar.

Ang nasabing Advanced Media Broadcasting System Inc. ay nabigyan ng 25-taon franchise extension noong 2019.

Base sa dokumento ng NTC na binigyan nila ng “test broadcast” permit ang Advanced Media para magamit ang Channel 2 spectrum noon pang Enero 6 at provisional authority na gamitin ang digital TV frequencies sa Metro Manila at Mega Manila na Channel 16.

Magugunitang binawi ang nasabing frequencies sa ABS-CBN matapos na hayaan ng mga kongresista na mapaso ito noong 2020.