-- Advertisements --

Nanindigan si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na maaring magbigay ng provisional authority ang National Telecommunications Commission (NTC) para makapag-operate ang ABS-CBN kahit mapaso ang kanilang prangkisa sa darating na Mayo.

Ginawa ni Zarate ang naturang pahayag matapos sabihin namani ni dating Chief Justice Reynato Puno Jr na hindi maaring makapag-operate ang ABS-CBN na walang prangkisa.

Tinukoy ni Puno ang kaso na kanyang pinonente noong siya ay punong mahistrado pa na nagsasabi na required ang mga broadcast network na magkaroon ng prangkisa at hindi maaring maglabas ng temporary permit sa network na walang prangkisa.

Pero para kay Zarate, ibang kaso ang sa ABS-CBN dahil hindi pa naman expired sa ngayon ang naturang media giant.

“This (ABS-CBN) one is different. There is an existing franchise [of] ABS-CBN, but about to expire,” ani Zarate.

“So, ang sinasabi natin dito ay kung (what we are saying here is if) between now and May 4, buhay pa ‘yung franchise ng ABS-CBN (the franchise of ABS-CBN is still valid), if it will be given by the NTC – ‘yung (the) two-year extension – then I think it is still in accordance with the memorandum of understanding,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Zarate na mayroong memorandum of understanding ang Kamara, NTC at Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) noong 1994 para sa issue na ito.

Sa ilalim ng naturang MOU, maari pa ring bigyan ng permit ng NTC ang mga redio at television operations nang hindi lalagpas ng dalawang taon.

“If the application for franchise remains unacted by Congress”, the temporary permit “shall be extendible for another two years,” bahagi pa ng naturang MOU.

Sa ngayon, pending pa rin sa Kamara ang 11 panukala para sa franchise renewal application ng ABS-CBN.