-- Advertisements --
Nakipag-ugnayan na ang National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecos sa bansa dahil sa pagdami ng kaso ng “Spoofing”.
Ang nasabing modus ay ginagaya nila ang mga lehitimong kumpanya para makapanloko sa pamamagitan ng text messages.
May nakarating na reklamo sa kanilang opisina kung saan hindi na ordinaryong cellphone numbers ang gamit ng mga suspeks.
Dahil sa nasabing bagong modus ay naglabas ng paanyaya ang NTC na huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mga text messages.