-- Advertisements --

Nagpahayag ng pangako ang National Telecommunications Commission (NTC) na patuloy na susunod sa Freedom of Information (FOI) initiative ng gobyerno.

Sinabi ni NTC Deputy Commissioner Alvin Bernard Blanco na ang ahensya, sa pamamagitan ng daily interventions ng mga opisyal ng Freedom of Information nito ay patuloy na susunod sa mga prinsipyo ng naturang inisyatiba.

Gayundin sa mga aktibidad bilang pagsisikap ng NTC na magbigay ng malinaw, mabilis at maaasahang serbisyo publiko sa mamamayang Pilipino.

Bilang tugon sa panawagan para sa transparency at buong pampublikong pagsisiwalat ng impormasyon, itinatag ng Gobyerno ang Freedom of Information Program.

Ang portal ng FOI ay nagpapahintulot sa publiko na humiling ng anumang impormasyon tungkol sa mga transaksyon at operasyon ng pamahalaan, sa kondisyon na hindi nito malalagay sa panganib ang mga usapin sa privacy at pambansang seguridad.

Ito ay itinatag sa ilalim ng Executive Order o EO No. 2, series 2016 alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.