Opisyal ng in-activate ng National Telecommunications Commission (NTC) ang taunang nationwide public assistance operations nito para sa Holy Week sa susunod na linggo.
Kaugnay nito, inatasan na ng komisyon ang lahat ng regional directors na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reductions and Management Councils (NDRRMCs), Civic Action Groups (CAGs) at Amateur Radio Groups (ARGs) na siyang magsasagawa ng public assistance operations sa kanilang mga nasasakupang lugar at magbibigay ng tulong para sa mga lokal na pamahalaan.
Sa inisyung memorandum noong Lunes, inatasan ng ahensiya ang regional directors na tukuyin ang mga akmang tulong na maaaring ibigay ng komisyin gaya ng pag-isyu ng temporary permits at mga lisensiya para matulungan at matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino na ba-biyahe sa iba’t ibang parte ng bansa sa Mahal na Araw.
Inilista din ang mga radyo, telebisyon at cable TV stations/operators na magbibigay ng tama at napapanahong pagpapalaganap ng mga kaugnay na impormasyon.
Ayon sa NTC, layunin ng taunang public service activity na masiguro ang ligtas na biyahe ng mga pamilyang Pilipino sa kasagsagan ng tradisyunal na pilgrimage sa mga probinsiya sa kasagsagan ng Holy Week.