-- Advertisements --
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunications companies na agad na ayusin ang mga nasirang serbisyo sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine.
Ayon sa NTC na ilang araw bago ang pagdating ng bagyo ay nagpalabas na sila ng memorandum sa mga telcos.
Nakasaad doon na dapat ay tiyakin ng mga telcos na hindi mapuputol ang kanilang serbisyo.
Hinikayat din nila ang mga ito na dapat ay mabilis na maayos ang mga nasirang tore para magbigay ng serbisyo sa mga residenteng apektado ng bagyo.
Kasabay din nito ay hinikayat nila ang mga telcos na magsagawa ng “Libreng Tawag” o “Libreng Charging Stations” sa mga lugar na apektado ng bagyo.