DAVAO CITY – Nanawagan ang National Telecommunicatin Commission XI sa publiko para sa simcard registration sa Desyembre 27, 2022.
Ayon sa Republic Act no. 11934 o Sim Card Registration Act o Sim Card Registration Act na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong Oktubre 10, 2022.
Mandato sa batas na ito na iparehistro ng mga subscribers o konsyumer ang kani-kanilang sim card ng telco providers.
Samantala, sinabi ni NTCXI Regional Director Nelson Cañete na illan sa mga telco providers ang nagpadala na ng text blast sa kani-kanilang mga subsribers na may URL o information guide sa dapat gawin sa proseso sa pagpaparehistro.
Nagpaalala rin si Cañete sa lahat ng Menor De Edad na may sim card na kailangan nila itong iparehistro sa ilalim ng pangalan ng kanilang magulang o guardian.
Kakailangin din na mamonitor ng magulang ang sim na gamit ng anak, lalo pa at nakapangalan ito sa kanila at sila ang mamaging responsible sa mga posibleng kinasangkotan nito.