Inihayag ng pamunuan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict ang kanilang kahandaan sa pagpapatupad ng Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr..
Partikular na rito ang pagbibigay ng amnestiya sa mga dating miyembro ng mga komunistang grupo sa Pilipinas.
Ginawa ni NTF-ELCAC Executive Director, Undersecretary Ernesto Torres Jr matapos ang naging unanimous concurrence ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Kabilang na rito ang Proclamation No. 403, 404, 405, at maging ang proclamation 406.
Ayon kay Usec. Torres, mapapabilis ang tunay na pagkamit sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa kung tuluyang mabubuksan ang daan tungo sa rekonsilyasyon ng mga dating rebelde.
Pinasalamatan rin ng opisyal sa mga senador at kongresista dahil sa kanilang suporta sa adhikain ng Pangulo.
Ito ay magdudulot rin ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa tungo sa isang “Bagong Pilipinas. na ilalim ng administrasyong Marcos Jr.