-- Advertisements --

Aminado ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na posibleng nagsasagawa ng recruitment ang CPP-NPA-NDF sa mga kabataan.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Usec Ernesto Torres, mataas pa rin ang posibilidad na nirerecruit nito ang mga kabataan.

Ginawa ni Torres ang pahayag kasunod ng pagsama NTF -ELCAC bilang kanilang miyembro ang Cocopea na samahan ng mga pribadoong eskwelahan.

Maari kasi na pati ang mga pribadong eskwelahan ay napasok na rin ng makakaliwang grupo.

Aniya ang kanilang information dissimination ay layong mapigilan na malihis ng landas ang mga kabataan.

Palalawakin ng national task ang kanilang information dissimination sa mga pribadong eskwelahan hinggil sa communist insurgency.

Subalit binigyang-diin ni Torres na sa ngayon wala ng kakayahan ang komunistang grupo partikular sa pakikipaglaban at magsagawa ng malawakang recruitment.

Batay naman sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nasa mahigit 1,000 fighters na lamang mayruon ang komunistang rebelde na nasa ilalim ng apat na aktibong guerilla fronts.