Bukas ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na makipag dayalogo kay VP Leni Robredo para paliwanagan sa misyon ng organisasyon.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenza kaugnay ng panukala ni VP Robredo na buwagin ang grupo.
Ayon kay Lorenzana, mali ang pagkakaintindi ng Bise Presidente sa layunin ng “NTF-ELCAC” nang sabihin niyang maari itong gamitin na parang “Tokhang” laban sa mga mamayan.
Giit ni Lorenzana, dalawang taon nang ipinatutupad ng NTF-ELCAC ang kanilang mandato at wala kahit isang reklamo mula sa mga barangay na sa sakop ng programa.
Kaugnay nito, sinabi rin ng kalihim na ang banta ng Finance Committee na bawasan ng 24 na bilyong piso ang budget ng Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC, ay pagpapakita lang na hindi nila naiintindihan ang hirap ng buhay sa mga liblib na Barangay sa bansa.
Paliwanag ng kalihim, ang pinaparusahan ng mga senador ay ang mga mararalitang mamayan sa mga liblib na Barangay na makikinabang sana sa mga proyektong pang-imprastraktura at social services na pagkakagastusan ng BDP.