Umapela si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director, Undersecretary Ernesto Torres Jr., sa mga nalalabing rebelde sa abandonahin na ang pakikipaglaban.
Ginawa ito ng opisyal kasunod ng naging bakbakan sa pagitan ng mga rebelde ang mga sundalo sa Pantabangan, Nueva Ecija kung saan mayroong pitong rebelde ang inisyal na namatay habang tatlong iba pa ang sunod na natunton sa exit route ng mga rebelde.
Ipinaabot ng opisyal ang paanyaya sa mga rebelde na sa halip na makipaglaban ay tanggapin na ang programang amnestiya ni PBBM upang maiwasan ang posibleng mga susunod na engkwentro.
Batay sa naging report ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nong hapon ng Miyerkules(June 26) ay nakasagupa ng mga sundalo ng 84th Infantry Battalion Phil Army ang mga miyembro ng Komiteng Rehiyon Gitnang Luzon (KRGL).
Nagresulta ito sa ilang oras na bakbakan, pursuit, at clearing operations.
Nang matapos ang clearing operation sa lugar, natagpuan ang katawan ng pitong sundalo sa pinangyarihan ng bakbakan habang tatlong iba pa ang sumunod na natunton sa direksyon kung saan tumakas ang mga rebelde.