Ipinagmalaki ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict ang matagumpay nitong pagkakabuwag sa 89 NPA guerilla front sa bansa.
Ang kabuuang datos na ito ay naitala mula 2018 hanggang sa kasalukuyang taon.
Ito ay batay na rin sa 1st Semestral Accomplishment Report ng kanilang anti-insurgency office.
Samantala, sa naging mensahe ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., sinabi nito na maituturing nilang malaking accomplishment ito.
Aniya, naging posible ito dahil sa pagkakaroon ng whole of nation approach laban sa mga komunista.
Malaki rin aniya ang naging ambag ng pagtutulungan ng lahat ng sektor at mga concerned agencies ng gobyerno upang magkaroon ng kapayapaan sa Pilipinas.
Batay sa datos ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict, wala nang aktibong NPA guerilla front bagamat mayroon pang natitirang pito na guerilla front.