Nais ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mawala na ang mga makabayan bloc sa kongreso darating na national and local election sa 2022.
Sinabi ni NTF-ELCAC spokesman Communications Undersecretary Lorraine Badoy na gagawin nila ang kanilang makakaya para maalis ang mga tinatawag na makabayan bloc sa kanilang posisyon sa House of Representatives.
Partikular na pinangalanan nito si Rep. Carlo Zarate at limang iba pa na galing umano sa militan party-list groups na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines (CPP).
Dagdag pa nito na nararapat na sila ay matanggal sa posisyon at sa katunayan ay makailang beses na rin aniya sila ng naghain ng election protest sa Commission on Election para tuluyang matanggal ang mga ito.