Iaaanunsyo ng pamahalaan ang kanilang nakatakdan operasyon para sa dalawang New Peoples Army Guerilla Front sa may bahagi ng Visayas habang isa naman sa Mindanao.
Ito ang kinumpirma ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict ni Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr sa ginanap na regular na pulong balitaan ng NTF-ELCAC ngayong umaga.
Paliwanag ni Usec. Torres, na ang walo na lang ang natitira mula sa 11 na napahinang GF sa buong Pilipinas.
Kaugnay nito ay nilinaw ng opisyal na ang ginagawang hakbang ng gobyerno para mabuwag ang mga GF sa bansa ay nangangahulugan ng pag-dismantle ng kanilang istrukturang pampulitika at kakayahang makalikom ng pondo.
Sa kabila nito, kumbinsido ang NTF-ELCAC na may mga matitira pa ring mga miyembro ang nasabing mga rebelde sa kabila ng hakbang na ito.
Tiniyak naman ni Usec. Torres na nananatiling “attainable” ang misyon ng AFP sa tuluyang pagsugpo sa mga istraktura ng NPA sa bansa bago matapos ang taong 2024.