Naniniwala si NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy na malaking bagay kung mag concede na lamang si VP Leni Robredo sa presidential race dahil halos lahat na ng mga kandidato ay nag concede na dahil sa mataas na agwat na boto na nakuha ni Presumptive President BongBong Marcos.
Sinabi ni Badoy, makakatulong sa sitwasyon kung mag-concede si VP Leni para maibsan ang mga maiinit na emotions na nararamdaman ngayon.
May intelligence information din natanggap ang pamahalaan hinggil sa planong pagsasagawa ng malakihang kilos protesta.
Sinabi ni Badoy na hindi lang basta pagpapahayag ng damdamin ang nais ng mga nagpo-protesta kundi may intensyon sila na manggulo.
Paniwala nya, mga komunistang CPP-NPA ang nasa likod nito at si Vice President Leni Robredo.
Inihalimbawa nya rito ang posibleng paghahagis ng granda sa rally na isisisi naman kinalaunan sa mga pulis.
Kapwa naman tiniyak nina PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo at AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na nakahanda sila sa anumang ikakasang kilos protesta.
Papairalin din umano nila ang maximum tolerance sa mga raliyista.