Suportado ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict ang muling pagkaka-designate ng Anti-Terrorism Council sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang isang teroristang organisasyon.
Ang tagumpay na ito ay naganap sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., ang hakbang na ito ay mahalaga sa gobyerno.
Kung maaalala, target ng kasalukuyang administrasyon na tuluyang pulbusin ang natitirang 11 napahinang guerilla front ng NPA bago matapos ang kasalukuyang taon.
Samantala, tinanggap din ni Usec. Torres ang isang ATC Resolution Number 53.
Sa ilalim ng resolusyong ito, tinukoy ng konseho si Elizabeth Pineda Principe bilang isang high-ranking leader at Central Committee member ng CPP-NPA.
Si Principe ay gumagamit ng ibat-ibang alyas bilang isang teroristang indibidwal.
Batay sa datos ng 2023 Global Terrorism Index, ang CPP-NPA ay ika-15 sa ranking ng 20 deadliest terrorist organizations sa buong mundo.