Naghahanda na ngayon ang National Task Force (NTF) Against Covid-19 para sa gagawin nilang vaccine procurement lalo na ang pagbili ng mga dagdag na doses bilang booster shots.
Ayon kay NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, nagsimula ng makipag negosasyon ang ang task force sa apat na magkaibang manufacturers na siyang gumagawa ng Covid-19 booster shots.
At nakahanda na rin sila pumirma ng non-binding term sheet sa mga nasabing manufacturers.
Sinabi ni Galvez na sakaling matuloy na ang procurement ito ay ilalaan para sa mga A1 priority group na binubuo ng mga medical frontliners and healthcare workers.
Inihayag ni Galvez na kanila na lamang hinihintay ang rekumendasyon ng NITAG (National Immunization Technical Advisory Group) at maging sa World Health Organization kung kinakailangan na ng booster shots sa bansa.
Binigyang-diin ni Galvez na sa sandaling may go signal na, agad sisimulan ng NTF ang mga proseso para sa gagawing procurment.
Kinumpirma ni Galvez na nasa P45 billion ang inilaan ng national government para sa procurement ng mga booster shots.
Inihayag ng kalihim na nagbigay na ng katiyakan ang Department of Finance (DOF) na sa sandaling aprubado na ang paggamit ng booster shots kanila ng ilalabas ang pondo.
Dagdag pa ni Galvez na posibleng sa fourth quarter ng 2021 o sa unang quarter ng 2022.
Sa ngayon, ayon kay Galvez kanilang tinututukan ang pagbabakuna lalo na duon sa hindi pa nakatanggap ng Covid-19 vaccine.
Sa ngayon nasa kabuuang 52.7 million doses ng bakuna ang natanggang ng Pilipinas.
Kabilang dito ang 188,370 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines mula sa COVAX facility na dumating ngayong araw.
As of September 1, nasa kabuuang 34,102,314 million doses ng Covid-19 vaccine ang na-administered nationwide kung saan 19.9 million doses ang nakatanggap ng kanilang first dose.
Habang nasa higit 14 million individuals ang fully vaccinated na sa bansa.
Sinabi ni Galves na malayo pa sa ngayon ang target ng gobyerno na nasa 77 million Filipinos ang maging fully vaccinated individuals.
Gayunpaman naka pokus ang gobyerno na mabakunahan ang nasa 20 million Filipinos sa buwan ng Septembet at October.