Tinawag ng kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) bilang sistematiko at walang-tigil ang pinakahuling panghaharass na ginawa ng CHina sa mga barko ng Pilipinas sa WPS.
Maalalang una na ring naglabas ang naturang task force ng pagkundena sa ginawa ng China, matapos muling magsagawa ng iligal na maniobra ang China habang nagsasagawa ng resupply mission ang mga barko ng bansa para sa mga nakaposisyong sundalo sa BRP Sierra madre sa Ayungin Shoal.
Ayon sa naturang task force, ang ginawang hakbang ng China ay nagpapakita ng kaduda-dudang sinseridad ng CHina sa nauna nilang panawagan na magkaroon ng mapayapang pag-uusap ukol sa problema sa WPS.
Kahapon, una na ring naglabas ng sentimyento ang mga opisyal ng bansa, kabilang na ang Phil Coast Guard(PCG), AFP, at ilang mga senador ukol sa panibagong harassment sa naturang karagatan.
Kahaopon ay pinapurihan din ni PBBM ang commitment at mistulang buwis-buhay na ginagawa ngmga sundalo na nagsasagawa ng mga RORE mission sa WPS, sa kabila ng banta ng China na laging nasa disputed waters.