Magsasagawa ang ilang ahensya katuwang ang National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS), at Philippine Coast Guard (PCG) ng isang advocacy run para sa West Philippine Sea.
Ito ay isasagawa sa Maynila sa ika-7 ng Hulyo, habang sa Agosto 4 naman ito ikakasa ng Cebu at sa darating na ika-8 ng Setyembre naman ilulunsad ang naturang adbokasiya sa Cagayan de Oro.
Layunin ng mga nabanggit na ahensya na mapalawig ang kamalayan ng mga Pilpino patungkol sa mga isyung nakapalibot pagdating sa usapin ng West Philippine Sea. Kanila naman itong pinamagatan na “Takbo WPS: Ang Yaman Nito Para sa Pilipino”.
Samantala, nakatanggap naman ng papuri si Coach Rio Dela Cruz mula kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya dahil sa ipinamalas nitong dedikasyon at magandang inisyatiba.
Sa ngayon, hinihikayan ng mga nasabing ahensya ang mga kumpanya at mga Pilipino sa bansa na suportahan at makiisa sa naturang advocacy run.