-- Advertisements --

Nagkampeon ang National University Lady Bulldogs sa UAAP Season 86 women’s volleyball.

Ito na ang pang-apat na titulo nila sa liga at pangalawa sa tatlong season matapos talunin nila ang University of Santo Tomas Tigresses sa four-set 25-23, 23-25, 27-25, 25-16 sa Game 2 na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Bumida sa panalo ng Lady Bulldogs si Alyssa Solomon na nagtala ng 27 points.

Kasama rin niyang nakuha ang Finals Most Valuable Player na mayroong 20 attacks, apat na blocks at tatlong aces.

Mayroon namang 19 points kasama ang 11 attacks at siyam na receptions ang bago at 2-time Most Valuable Player na si Belle Belen.

Ang NU ay siyang unang paaralan na nakumpleto ang golden double sa volleyball mula ng makuha ito ng Ateneo de Manila University noong Season 77.