-- Advertisements --
NU Pep Squad
NU PEP SQUAD/ FB IMAGE

Matagumpay na naidepensa ng National University Pep Squad ang kanilang titulo sa UAAP Cheerdance Competition.

Nakakuha ng kabuuang 722 points ang NU para makuha ang ikaanim na titulo sa loob ng pitong taon.

Suot ng mga nito ang tinaguriang national colors ng bansa at gumamit ng musikang Pinoy.

Nagtapos naman bilang first runner-up ang Far Eastern University Cheering Squad na nagbigay tribute kay Michael Jackson at may kabuuang 706 points na nakuha.

Tinanghal naman bilang 2nd runner-up ang Adamson University Pep Squad na Carribean-Inspired ang performance.