-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang southwestern Iran na malapit sa kauna-unahang nuclear power plant ng bansa.
Nangyari ang lindol bandang ala-singko ng umaga na may layong 44 kilometers (27 miles) sa Timog-Silangang bahagi ng Borazjan.
Batay sa US Geological Survey (USGS), may lalim itong 38.3 kilometers o 23.7 miles.
Hindi nalalayo ang epicenter ng lindol sa Iranian coastline kung saan matatagpuan ang Bushehr nuclear plant.
Bukod sa pagiging kauna-unahang nuclear plant ng naturang bansa ay itinuturing din itong “first civilian reactor” sa buong Middle East na nagbukas noong 2010.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye ang gobyerno ng Iran kung nagtamo ng pinsala ang nasabing nuclear plant.