-- Advertisements --

Nakararanas na ang lalawigan ng Nueva Ecija at Cavite ng tagtuyot bago pa man ang inaasahang peak ng El Niño sa unang quarter ng 2024, ayon sa state weather bureau.

Sa kasalukuyan, nasa 51 hanggang 63 na lugar na ang nakikitang nakakaranas ng tagtuyot o kapag below normal ang pag-ulan sa loob ng 5 magkakasunod na buwan.

Nangyayari ang dry spell kapag mas below normal ang ulan sa loob ng 3 magkakasunod na buwan, habang ang dry condition ay 2 magkakasunod na buwan ng below-normal rainfall conditions.

Noong Disyembre 17, ipinakita ng datos na 25 na lugar ang nagsimulang makaranas ng dry spells habang 5 pa ang may dry condition.

Ang mga lalawigan sa Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Metro Manila, Rizal, Palawan, Negros Occidental, Basilan, at Maguindanao ay kabilang sa mga lugar na nakararanas ng dry spells.

Samantala, ang Abra, Batanes, Bohol, Bukidnon, at Misamis Oriental ay nakararanas naman ng dry conditions.

Top