-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Bukas ang Nueva Vizcaya na pahintulutan ang operasyon ng mga provincial buses sa naturang lalawigan.

Ito ay sa kabila na naka-alert level 2 ang Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Padilla na bagamat nasa ilalim sila ng alert level 2 ay kontrolado naman nila ang naturang virus..

Sinabi ni Governor Padilla na patuloy nilang ipinapatupad ang ipinalabas na guidelines ng Regional IATF sa ilalim ng alert level 2.

Tinututukan nila ang mga nagaganap pagtitipon sa kanilang lalawigan pangunahin na sa mga bayan ng Ambaguio, Kayapa at Kasibu na mayroong pinakamababang acceptance rate ng COVID-19 vaccines.

Bukas din anya silang tanggapin ang mga pampasaherong bus sa kanilang lalawigan ngunit hihigpitan nila ang sistema sa mga bayan na magsisilbing drop off point .