CAUAYAN CITY- Nagtala ng isang panibagong mortality dahil sa COVID-19 ang lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ang nasawi ay si patient CV 1103, 53 anyos na lalaki na mula sa Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya.
Siya ay namatay habang nasa Region 2 Trauma Medical Center (R2TMC) .
Batay sa inilabas na talaan ng pamahalaang panlalawigan hanggang kanilang umaga ay mayroong 38 panibagong kaso ng COVID-19 ang Nueva Vizcaya.
Karamihan sa mga bagong positibo sa virus ay galing sa mga bayan ng Bayombong at Aritao na may tig-14, habang sa Bayan ng Solano ay 5, sa Bagabag ay 4 at sa Bambang ay isa.
Dahil dito umakyat na sa 439 ang total confirmed cases sa Nueva Vizcaya, 150 ang recoveries, 275 ang active cases at 14 apat ang nasawi.
Magugunitang kinumpirma ng DOH region 2 na ang Nueva Vizcaya ang epicenter ng COVID-19 sa region 2.