-- Advertisements --

CUAYAN CITY – Naitala ang 3 nasawi may kaugnayan sa COVID-19 sa Nueva Vizcaya.

Dahil dito, umakyat na sa 35 ang COVID-19 related death sa naturang lalawigan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Provincial Health Office, kabilang sa mga nasawi sina CV 8975, 16 anyos na lalaki na mula sa Runruno, Quezo; CV 8976, 67 anyos na babae, residente ng Salinas, Bambang at si CV 8985, 62 anyos na lalaki na residente ng Bintawan Sur, Villaverde.

Kasabay nito ay naitala rin ang 8 panibagong kaso sa lalawigan kaya mayroon ng 820 na kabuuang naitalang kaso ng COVID-19, 775 ang gumaling at sampo ang aktibong kaso.