-- Advertisements --
Hindi muna makakalaro ang mga Denver Nuggets guards na sina Bones Hyland at Austin Rivers bunsod nang pagsasailalim sa kanila ng NBA sa health and safety protocols.
Ayon sa report ng ESPN, kapag nagpositibo sa COVID-19 tests ang dalawa, aabot sa 10 araw na mawawalay sila sa team.
Kung mangyari ito tinatayang aabot sa anim na games na hindi sila makakalaro.
Si Hyland ay kakabalik lamang mula sa ankle injury at naglaro pa nitong nakalipas na Martes kung saan umiskor siya ng 19 points sa kanilang panalo na 120-111 laban sa Miami.
Sa ngayon kulang pa rin ang Nuggets ng players dahil si Jamal Murray ay merong knee injury, ganon din si P.J. Dozier at si Michael Porter Jr. (back) naman ay inaasahang matatagalan pa bago makabalik sa laro.