-- Advertisements --

Muling dumanas ng pagkatalo ang 2023 NBA champion Denver Nuggets.

Kahapon, Abril 2, ay una itong pinataob ng Minnesota Timberwolves sa double overtime, 140 – 139; habang ngayong araw ay tuluyan din itong pinatumba ng San Antonio Spurs, 113 – 106.

Sinamantala ng Spurs ang hindi paglalaro ni 3-time NBA MVP Nikola Jokic at agad tinambakan ang Nuggets ng 12 points sa unang quarter.

Tuluyan ding bumawi ang Nuggets sa 3rd quarter at nagawa nitong burahin ang siyam na puntos mula sa 12-point 1st half deficit ngunit pagpasok ng 4th quarter ay muling dinumina ng San Antonio ang opensa.

Sa huli, nagawa ng Spurs na ibulsa ang 7-point win sa pangunguna ni Harrison Barnes na kumamada ng 20 points, at walong rebound.

Sa panalo ng Spurs, pito sa mga player nito ang gumawa ng double-digit scores habang dalawang player din ang gumawa ng double-double performance.

Sa hindi paglalaro ni Jokic, pinangunahan ni triple-double king, Russell Westbrook ang kaniyang koponan at kumamada ng 30 points at 11 rebounds.

Nagsilbing sandalan ng Spurs ang 3-point area at ipinasok ang 17 3-pointer mula sa 46 na pinakawalan sa kabuuan ng laban.

Sa pagkatalo ng Denver, tuluyan na itong bumaba sa No. 4 mula sa dating No. 3 sa western conference habang pumalit ang Los Angeles Lakers sa dati nitong posisyon.

Sa kasalukuyan, laglag na rin sa postseason ang San Antonio, hawak ang 32 panalo at 44 na pagkatalo.