-- Advertisements --
Muling tinanghal bilang NBA Most Valuable Player si Denver Nuggets center Nikola Jokic.
Ito na ang pangatlong pagkakataon sa apat na season na nakuha ng 29-anyos Serbian star ang award.
Una niyang nakuha ito noong 2021 at 2022 at noong 2023 ay naging runner-up lamang siya.
Naging susi rin si Jokic sa pagkuha ng Nuggets ng kampeonato noong 2023.
May average ito na 26.4 points, 12. 4 rebounds at 9.0 assists sa regular season.
Tinalo nito sa voting sina Oklahoma City Thunder star Shai Gilgeous-Alexander at Luka Doncic ng Dallas Mavericks.