-- Advertisements --
Jokic Nikola
Nikola Jokic/ IG Post

Tinanghal bilang NBA Most Valuable Player (MVP) si Nikola Jokic ng Denver Nuggets.

Siya ang unang center mula noong makuha ni Shaquile O’ Neal ang MVP award taong 2000.

Tinalo ng Serbian player para sa prestihiyosong award sina Joel Embiid ng Philadelphia 76ers at Stephen Curry ng Golden State Warriors

Mayroong average points na 26.4 per game, 8.3 assists at 10.8 rebounds ang Nuggets center.

Ang 26-anyos na si Jokic ay siyang pang-41st pick sa NBA draft noong 2014.

Sa ngayon itinuturing na malaking dahilan si Jokic kung bakit umabot sa playoffs ang Denver.