-- Advertisements --
Ginamit na umano ng Denver Nuggets ang $30-milyong option sa kontrata ni forward Paul Millsap para sa susunod na season.
Ibig sabihin, mananatili si Millsap sa Nuggets ng isa pang taon.
Batay sa ulat, ibubulsa ng veteran cager ang nasabing halaga sa pagpasok nito sa huling season ng kanyang three-year deal sa koponan na pinirmahan nito noong 2017.
Nagrehistro ng average na 12.6 points at 7.6 rebounds per game si Millsap nitong nakalipas na season.
Naging malaki rin ang ginampanang papel ni Millsap upang tulungan ang Nuggets sa kanilang kampanya nitong playoffs.