-- Advertisements --

Bumuslo ng 23 points si Jamal Murray upang bumida sa 108-90 paggupo ng Denver Nuggets sa San Antonio Spurs sa Game 5 ng kanilang first-round playoff series.

Bukod kay Murray, hindi rin nagpapigil si big man Nikola Jokic na humugot ng 16 points, 11 rebounds at walong assists para sa Denver, na umabot pa hanggang sa 30 ang lamang sa 99-69.

Nalimitahan naman sa tig-17 points sina DeMar DeRozan at LaMarcus Aldridge para sa San Antonio, na abante pa rin sa 3-2 sa kanilang serye ng Denver.

Bagama’t nalaglag sa 7-2 ang Nuggets, lumikha naman sila ng 14-2 run upang tangayin ang 26-19 abante matapos ang isang quarter.

Gumamit din ang Denver ng 13-3 run sa second half para angkinin ang 11-point lead sa halftime, 53-42.

Napalobo pa nila sa 64-44 ang kanilang abanse sa halos anim na minuto matapos magsimula ang second half tampok ang 12-2 bomba.

Lumago pa sa 30 ang kanilang lead para gawing 99-69 tampok ang bucket ni Malik Beasley.