Hindi naisalba ng monster double-double ni Nikola Jokic ang Denver Nuggets matapos itong tapatan din ni San Antonio Spurs center Victor Wembanyama.
Sa naging bakbakan ng dalawa ay muli kasing kumamada si Jokic ng 41 points, 18 rebounds, at siyam na assists.
Gayunpaman, tinapatan naman ito ni Wemby ng 35 points at 18 rebounds.
Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang bigating koponan at makailang-beses na nagpalit ng lead.
Sa pagpasok ng huling quarter, hawak ng Nuggets ang tatlong puntos na kalamangan ngunit pinilit ng Spurs na ungusan ang 2023 NBA champion.
37 seconds bago matapos ang laro, nagawa ng Spurs na hawakan ang isang puntos na lead, 111 – 110, habang hawak ng Nuggets ang bola.
Pinilit ni Jokic na magpasok ng 3-point jump shot ngunit bigo itong magkonekta habang nakuha naman ng Spurs ang rebound.
Gayunpaman, na-out of bounds ang Spurs sa naging transition play kayat napunta sa Nuggets ang bola. Agad namang nagpatawag ang koponan ng timeout at sa pagbabalik sa laro ay tinangka ni Jokic na ipasa ang bola sa kaniyang teammate ngunit agad itong naagaw ni Wemby.
Agad ipinasa ni Wemby ang bola kay Davin Vessel para sa isang driving dunk, 2 seconds bago matapos ang laro.
Hindi na nakahabol ang Nuggets sa nalalabing dalawang segundo at natapos ang laro sa 113 – 110.13 – 110.