Mahaharap ngayon sa malaking hamon ang NBA defending champion na Denver Nuggets sa Game 3 nila ng Minnesota Timberwolves sa Western Conference Semifinals.
Hawak kasi ng Timberwolves ang 2-0 na bentahe matapos na talunin sila sariling court noong Game 1 at 2.
Bukod sa homecourt ng Minnesota gaganapin ito ay mayroong apat na manlalaro ng Denver ang may injury at kuwestiyonable sa paglalaro habang ang Timberwolves ay walang manlalaro na may injury.
Ilan sa mga injured player ng Nuggets ay sina Kentavious Caldwell-Pope, Reggie Jackson, Vlatko Čančar at Jamal Murray.
Base rin sa kasaysayan ng NBA na sa 452 na koponan na mayroong 0-2 sa playoff series ay 33 lamang ang nakabangon at nagwagi.
Tiwala si Nuggets coach Michael Malone na kaya ng kaniyang koponan na makabangon sa nasabing laro kung kaya’t pipilitin niilang makakuha ng panalo.
Wala kasing NBA team na nakabangon sa 0-3 sa playoff series kaya desidido ang Nuggets coach na mabuwag ang depensa ng Timberwolves.