-- Advertisements --
https://www.youtube.com/watch?v=jNMph1iluQw

Bumangon ang Denver Nuggets mula sa pagkakabaon sa 19 points upang biguin ang San Antonio Spurs, 114-105, sa Game Two at itabla ang kanilang first-round playoff series.

Ibinuhos ni Jamal Murray ang 21 sa kanyang 24 points sa fourth quarter para iligats ang Nuggets mula sa panganib ng ikalawang sunod na pagkabigo sa Pepsi Center.

Napako sa 78-59 ang Denver sa huling bahagi ng third quarter bago nila isara ang laro sa 55-27 harurot.

Umasiste si Paul Millsap na kumamada ng 20 points para sa Denver, na nakahugot din kay Nikola Jokic ng 21 points, 13 rebounds at walong assists.

Nakakuha naman ng 31 points ang Spurs kay DeMar DeRozan, at 24 mula kay LaMarcus Aldridge.

Dadalhin na sa San Antonio ang serye para sa Game 3 sa Biyernes.