Inaabangan ng maraming basketball fans kung kayang makabalik sa finals ang defending champion Denver Nuggets.
Ito ay dahil sa gaganapin ngayong araw ang Game 7 ng Western Conference Semifinals sa pagitan nila ng Minnesota Timberwolves.
Itinuturing kasi na ang laban sa pagitan ng number 2 na Denver at number 3 na Minnesota sa Western Conference semifinals ay battle of the ages kung saan tinalo ng Nuggets ang Timberwolves sa isa sa huling laro ng regular season para makuha ang homecourt advantage sa Game 7.
Ginulat din ng Minnesota ang mundo ng talunin nila sa unang dalawang laro ang Nuggets sa Game 1 and Game 2 ng semifinals sa sariling court pa mismo ng Denver.
Magkatuwang naman sina Denver star Nikola Jokic at Aaron Gordon para bumawi at nakuha nila ang panalo sa Game 3 at 4.
Sa pagbabalik ng homecourt ng Nuggets noong Game 5 ay nakabawi sila 112-97 at nakuha ng defending champion ang 3-2 na kalamangan.
Pagpasok ng Game 6 ay umarangkada ang Timberwolves sa kanilang homecourt kungs aan tinambakan nila ng 45 points ang Nuggets 115-70.
Mahaharap sa hamon ang Nuggets dahil sa hindi paglalaro ni Vlatko Čančar bunsod ng kaniyang operasyon sa kaliwang tuhod habang kuwestiyonable naman si Jamal Murray dahil left calf strain.
Habang sa Timberwolves ay kuwestiyonable naman ang paglalar ni Mike Conley na may Right Soleus Strain.
Ang sinumang manalo sa nasabing laro ay makakaharap ang Dallas Mavericks na tinalo ang Number 1 seed na Oklahoma City Thunder sa anim na laro.