-- Advertisements --

Itinumba ng Denver Nuggets ang Washington Wizards sa kanilang tune-up game, 89-82.

Bumida sa panalo ng Nuggets si Troy Daniels na may 22 points, kung saan 12 rito ay nagmula sa 3-point line.

Tumipa rin ng 16 points, pitong rebounds at pitong assists si big man Nikola Jokic.

Ang rookie center namang si Bol Bol ay hindi rin nagpahuli makaraang magtala ito ng 16 points, 10 rebounds at anim na blocks.

Samantala, si Rui Hachimura naman ang umakay sa Wizards sa kanyang 18 markers at siyam na boards.

Sunod na haharapin ng Nuggets ang New Orleans Pelicans at Orlando Magic.

Habang ang Washington naman ay naka-schedule na makipagbanggaan sa Los Angeles Clippers at sa LA Lakers.