-- Advertisements --

Umabot pa sa overtime bago tuluyang talunin ng Denver Nuggets ang Utah Jazz 135-125 sa unang round ng NBA playoffs.

Pinangunahan ni Jamal Murray ang Nuggets na nakapagtala ng 36 points at 9 assists habang mayroong 29 points at 10 rebounds naman si Nikola Jokic.

Nasayang naman ang nagawang 57 points si Donovan Mitchell at 18 points ni Filipino-American Jordan Clarkson ng Jazz.

Naging susi kasi si Mitchell para maitabla ng Jazz ang laro sa 115 at umabot sa overtime.