-- Advertisements --

Nagwakas na rin ang isa sa pinaka-exciting at entertainning na matchups ngayong NBA first round playoffs nang tuluyang idispatsa ng Denver Nuggets ang Portland Trail Blazers sa Game 6 sa iskor na 126-115.

Sa mga nakalipas na games, walang humpay na puntos at tira lalo na sa three point areas ang pinapakawalan ng record breaker na si Damian Lillard.

Denver nuggets porter

Pero sa huli wala pa ring sagot ang Blazers sa higanteng MVP candidate na si Nikola Jokic.

Sa katatapos lamang na game tumipon si Jokic ng 36 points, eight rebounds at six assists para iposte ng Denver ang 4 wins against 2, laban sa Blazers.

Noong una sa first half hanggang sa third quarter ay abanse pa ang Blazers sa pangunguna sa opensa ni Lillard na may 28 points at 13 assists.

Pero pagsapit ng fourth quarter dito na kumamada ng husto si Jokic na sinabayan din ng big game ng kanyang mga teammates.

Si Michael Porter Jr. ay nag-ambag ng 26 points kabilang na ang anim na 3-pointers habang si Monte Morris ay malaking tulong din sa 22 points at nine assists mula sa bench ng Nuggets.

Samantala, makakaharap ng Denver Nuggets sa second round ng NBA playoffs sinuman ang mananalo sa matchup ng Los Angeles Lakers at Phoenix Suns.