-- Advertisements --

Naipilit ng Denver Nuggets ang Game 6 matapos talunin sa do-or-die game ang Utah Jazz, 117-107, sa Game 5 ng round 1 ng kanilang best-of-seven playoffs series.

Namayani sa Nuggets si Jamal Murray na tumabo ng 42 points, walong rebounds at walong assists upang maibalik sila sa serye.

Nagpasiklab din si Nikola Jokic na ibinuhos ang 21 sa kanyang 31 points sa loob lamang ng first quarter.

Sa kabila nito, nasa kamay pa rin ng Jazz ang kontrol sa serye hawak ang 3-2 record.

Nangako naman ang Utah na kanila nang tatapusin ang Nuggets sa Game 6.

Sa panig ng Jazz, bumida si Donovan Mitchell na kumamada ng 30 points.

Umasiste rin ang Filipino American guard na si Jordan Clarkson na nagdagdag ng 17 points, at si Joe Ingles na may 13.