-- Advertisements --

Naipilit ng San Antonio Spurs na maipuwersa sa do-or-die Game 7 ang kanilang first round playoff series ng Utah Jazz.

Ito’y matapos dominahin ng Nuggets ang Jazz sa iskor na 120-103, sa likod ng nakalululang 50 points na ibinuhos ni Jamal Murray.

Hindi rin nagpahuli si big man Nikola Jokic na tumabo ng 22 points.

Sa panig ng Jazz, hindi nagbunga ang 44 points na pinakawalan ni Donovan Mitchell, maging ang 21 points ni Mike Conley.

Nalimitahan naman sa tig-11 puntos sina Rudy Gobert at Jordan Clarkson.

Ang magwawagi sa banggaan ng dalawang koponan ang siyang makakatunggali naman ng Los Angeles Clippers, na una nang nakausad sa semifinals nang biguin nila ang Dallas Mavericks.