-- Advertisements --

Nagtala ng record sa NBA si two-time most valuable player Nikola Jokic.

Sa panalo kasi ng Denver Nuggets laban sa Brooklyn Nets sa overtime game 144-139 ay nagtala si Jokic ng 29 points, 18 rebounds at 16 assists.

Siya lamang ang pangalawang manlalaro na nagtala ng nasabing statistics matapos ang 62 taon.

Unang nakaabot ng nasabing record ay si Oscar Robertson na dalawang beses niya ito nagawa noong 1962.