-- Advertisements --
Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang 18 na Motion for Reconsideration na pinasa ng mga nuisance candidates.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nasa 21 na mga senatorial aspirants ang nagpasa ng Motion for Reconsideration sa COMELEC En Banc. Sa kasalukuyan, 18 pa lamang ang nilabas nila na hindi tinanggap at ang 3 pang mga mosyon ay hindi pa nilalabas ng tanggapan.
Ito ang mga nuisance candidates na naibasura ng poll body:
- Francis Leo Marcos
Felipe Fernandez Montealto Jr.
Orlando Caranto De Guzman
Manuel Lim Andrada
Sonny Miranda Pimentel
Elpidio Rosero Rosales Jr.
Jaime Gaspacho Balmas
Pedro Gonzales Ordiales
John Rafael Campang Escobar
Roberto Sontosidad Sembrano
Romulo Tindoc San Ramon
Fernando Fabian Diaz
Luther Gascon Meniano
Romeo Castro Macaraeg
Subair Guinthum Mustapha
Berteni Cataluña Causing
Alexander Cura Encarnacion
Monique Solis Kokkinaras
Ang hindi pagtanggap ng COMELEC En banc sa kanilang mosyon ay nangangahulugang sa Korte Suprema na nila iaapela ang kanilang pagiging nuisance candidate.