-- Advertisements --

Nadagdagan na ang naitala ng Commission on Elections (COMELEC) na nuisance candidates para sa Senatorial race ng halalan sa susunod na taon na nasa 88 na ang nadeklara ng komisyon.

Ang lahat ng mga ito ay maaari pa ring magpasa ng motion for reconsideration at bukas ang komisyon para tanggapin ito.

Samantala, inihayag din ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na malapit ng makumpleto ang delivery o paghahatid ng mga Automated Counting Machines (ACM) sa bansa. Kasalukuyan ng nasa 91.23% ang estado ng naipadalang ACMs, ibig-sabihin ay nasa 10,000 na lang ang kulang. Aniya, maagang na-deliver ang mga makina sa bansa kumpara sa target deadline nito.

Kaugnay nito, ngayong araw din ay ginanap ang field testing ng mga machine sa iba’t-ibang lugar na pinamunuan ni COMELEC Charirman Garcia, ito aniya ang preparasyon ng komisyon para sa mock elections.

Samantala, nagsagawa na rin ng field testing ang komisyon sa Estados Unidos para sa postal, online at internet voting na kauna-unahang gagawin para sa Eleksyon 2025. Ayon sa komisyon, nagpapatupad na sila ng mga security measures para sa posibleng hacking attempts sa panahon ng eleksyon sa kanilang lugar.

Pagtitiyak niya na naging matagumpay sa iba’t ibang lugar ang isinagawang field testing. Dagdag pa niya na patuloy na magiging transparent ang komisyon sa lahat ng dapat malaman ng publiko patungkol sa eleksyon.