LEGAZPI CITY – Naalarma ang grupo ng mga mamamahayag at madiing kinondena ang ilang araw na pagkakakulong ng Police beat reporter na si Jose Rizal “Joerez” Pajares sa Iriga City Police Station.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Reynard Magtoto, Presidente ng National Union of Journalists of the Philippines-Albay Chapter, sampung taon ng police beat reporter si Joerez, kung saan sanay na itong magbisita sa nasabing himpilan upang maghanap ng mahahalagang mga impormasyon na dapat ibalita at maihatid sa publiko, ngunit ngayon lamang aniya nakaranas ng ganitong pagtrato ang mamamahayag.
Pagbibigay-diin ng grupo, ang pamamahayag ay nakapaloob sa Freedom of the Press and the right to information, na nasa Philippine Constitution.
Maliba pa rito, hindi rin aniya maaring kasuhan ng paglabag sa Data Privacy Act of 2012, dahil malinaw umano sa Section 4 na hindi kasali sa niliilimitahan ng naturang batas ang pagkuha ng impormasyon na layunin ay ang pamamahayag.