DAGUPAN CITY – Nababahala si National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) chairperson Nonoy Espina na ginagawang short cut ang batas sa ating bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Espina, sinabi nito na hindi porke’t nasa narco-list ang isang indibidwal ay maituturing na itong guilty
Ipinaalala niya na ang tao ay itinuturing na inosente hangga’t hindi pa nalilitis o nasasakdal sa korte.
Reaksyon ito ni Espina sa plano ng Malakanyang na ilabas ang listahan ng mga pulitiko na sangkot sa droga kabilang ang 82 incumbent local officials kung saan 64 sa mga ito ay kandidato sa midterm elections sa Mayo.
Dahil eleksyon, dapat mas lalo aniyang maging maingat dahil maaaring pagmulan ng pagdududa, gulo, karahasan at maaring humantong sa kamatayan.
Dagdag pa niya na tungkulin ng media na kunin ang panig ng isang indibiduwal o local official para sagutin ang isyu laban sa kanila.