-- Advertisements --

NAGA CITY – Sa kabila ng mga naibabang hatol ng korte sa kaso ng Maguindanao massacre, tuloy pa rin daw ang laban ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) para sa hustisya ng ika-58 biktima ng krimen.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni NUJP chairman Nonoy Espina, ikinalulungkot pa rin nila na may isa sa mga biktima ang hindi nabigyan ng hustisya matapos i-dismiss ng Quezon City Regional Trial Court ang kaso ni Bebot Momay.

Hindi umano nila maitatago na bagamat masaya ang kanilang hanay na nahatulan ang primary suspects, ay di sila kuntento sa sinapit ng kaso ni Momay.

Umaasa naman si Espina na mahuhuli ang ibang mga suspect sa likod ng naturang krimen na nananatiling at large.