GENERAL SANTOS CITY – Ibinalik na sa kanyang lugar ang number 1 Most wanted person sa Region 4A matapos mahuli nagdaang araw sa pinagsanib pwersa ng Pulisya.
Ayon kay Lt. Col. Lino Capellan, spokesperson ng Police Regional Office 12 na dumating sa rehiyon ang grupo ng ng Biñan Laguna ang Criminal Investigation and Detection Group para hulihin ang suspek na nagtatago sa Midsayap North Cotabato.
Matapos ang ginawang coordination kaagad ikinasa ang Operation manhunt Charlie at hinuli ang suspek na si Mark Anthony Sison Ayub aka Mark Anthony Sison Ayug alias Ricky Sison 37 gulang na residente ng Sitio Matamis, Nepa Hi-way Subdivision, Barangay San Vicente, Biñan City, Laguna.
Nalaman na limang warrant of Arrest sa kasong Murder at kaso naman sa bayolasyon ng RA 8294 at kasong Direct Assault na inisyu ng ibat-ibang korte sa Biñan Laguna.