-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga kasapi ng City of Ilagan Police Station ang number one most wanted person provincial level sa barangay Paliueg, Ilagan City

Ang inaresto ay isang 24 anyos na residente ng lunsod ng Ilagan.

Magkatuwang ang mga kasapi ng City Of Ilagan Police Station at Intelligence Branch ng IPPO na umaresto sa akusado.

Isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 second Judicial Region Ilagan City laban sa akusado sa kasong 2 counts of rape na walang inirekomendang piyansa.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ginahasa umano ng akusado ang kanyang pamangkin na isang menor de edad.

Todo tanggi naman ang akusado sa kanyang kinakaharap na kaso.

Dinala sa City Of Ilagan Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.