Napasa kamay na ng Criminal Investigation and Detection Group ang number 2 most wanted terrorist sa Bicol Region.
Ito’y matapos ang matagumpay na pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspect bilang bahagi ng “Oplan Pagtugis”. ng mga otoridad.
Kinilala ang suspect na si alyas “Jose Maria” na boluntaryong sumuko sa 903rd Infantry Battalion noong nakaraang Biyernes.
Nakaharap ito sa kasong 3 counts ng murder at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Sa isang pahayag, sinabi ni CIDG Director Police MGen. Romeo Caramat na si Jose Maria ay tumatayong Commanding Officer (CO) ng Special Partisan Unit (SPARU) Provincial Unit Guerilla (PYG) sa ilalim ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) ng CPP-NPA.
Kaugnay nito ay siniguro naman ni Caramat na patuloy ang kanilang pagpapatupad ng kampanya laban sa terorismo sa bansa.
Ito ay alinsunod pa rin sa direktiba ni PNP Chief PGen Benjamin C Acorda Jr.